Patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto sa Supermarket na hindi sakop ng Suggested Retail Price.
Ayon kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, kabilang sa mga produktong nagtaas ang De lata, condiments, noodles, sabon at iba pang gamit sa bahay.
Hindi naman masabi ng opisyal kung hanggang kailan magtataas-presyo ang mga produkto, lalo’t nagpapatuloy ang Oil price hike dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nabatid na wala pang pinapayagan ang DTI na bagong dagdag-presyo sa mga produktong may SRP sa kabila ng hirit na taas-presyo ng mga manufacturers.
Sa kabila nito, humihingi pa ng ilang linggo ang dti bago hatulan ang hirit na bagong SRP.