Iimbestigahan ng Senado ang Flood Control Projects sa Metro Manila sa gitna ng madalas na pagbaha.
Sa inihaing resolusyon ni Senator Bong Revilla na uupong Chair ng Senate Committee on Public Works sa 19th Congress, aalamin ang status at kakayahan ng flood control master plan ng bansa.
Bubusisiin din ang mga nakabinbin pang proyekto na nasa ilalim ng implementasyon ng Department of Public Works and Highways at ng Metropolitan Manila Development Authority.
Batay sa report ng COA, 22 proyekto ng MMDA ang hindi pa natatapos habang 39 ang hindi kumpleto dahil sa kulang-kulang na pagpaplano.