Pinag-aaralan na ng Department of Health ang pagbili ng mga bakuna kontra dengue sa ibang bansa.
Sa gitna ito nang tumataas na kaso ng dengue sa bansa na kasalukuyang nasa 65,000 na.
Tiniyak naman ng DOH na daraan sa proseso ang procurement ng dengue vaccine.
Kabilang sa mga tinitingnan ng kagawaran ang pag-a-apply ng manufacturers ng certificate of product registration sa Pilipinas na isasailalim sa masusing evaluation.
Nito lamang Martes ay idineklara na ang dengue outbreak sa lalawigan ng Occidental Mindoro habang nasa state of calamity na ang antique dahil sa tumataas ding kaso ng nasabing sakit na nakukuha sa kagat ng lamok.