Nagpakalat na ng karagdagang tauhan ang Southern Police District (SPD) sa kanilang nasasakupan.
Alinsunod ito sa utos ni DILG Secretary Benhur Abalos at NCRPO Director, Maj. Gen. Felipe Natividad na paigtingin ang police visibility kontra krimen.
Ayon kay SPD Dir.,Brig. Gen. Jimili Macaraeg, 1,860 pulis ang ipinakalat nila sa Makati, Taguig, Pasay, Muntinlupa, Las Piñas at Parañaque.
Magbabantay ang mga ito mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.
482 sa mga pulis ay nagmula sa district headquarters habang 1,378 sa iba pang lungsod.