Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutukuyin na nila ang mga bagong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo matapos ang pagkakatanggal sa listahan ng 1.3 milyong 4Ps beneficiaries dahil hindi na kwalipikado para sa ayuda.
Ayon kay Tulfo, dadaan muna sa mabusising proseso ang mga bagong benepisyaryo upang malaman kung ‘deserved’ ng mga ito na matulungan.
Para naman sa mga tinanggal sa listahan, tiniyak ni Tulfo na agad nila itong ipapaalam.
Kung may pagkakataong lumipat ng tirahan ang benepisyaryo, maaari pa rin itong tumanggap ng tulong sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa regional DSWD office.