Pinag-iingat ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) ang publiko laban sa leptospirosis at dengue ngayong tag-ulan.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaalala ni Dr. Jose De Grano, Presidente ng PHAP ang kahalagan ng paglilinis ng paligid para maiwasan ang pagkakasakit.
Bagaman hindi ganoon kadami ang ini-aadmit sa ospital dahil sa leptospirosis, ipinayo pa rin ng opisyal na huwag nang lumusong sa baha kung hindi naman kinakailangan, lalo na kung may sugat sa paa.