Nakalatag na ang mga plano para sa mga kakainin ng 1,365 na mga panauhing dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa Lunes.
Ito ang kinumpirma ni House Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRSAB) Executive Director Lourdes Rajini Rye.
Ihahain aniya ang meryenda at cocktail sa mga bisita sa house south wing lobby pagkatapos ng talumpati ng pangulo.
Samantala, nakipag-ugnayan rin aniya sila sa Presidential Security Group (PSG) para sa screening ng mga bisita.
Ang IPRSAB ng House Inter-Parliamentary and Public Affairs Department ang humahawak sa pamamahagi ng mga imbitasyon, seat card, protocol, pagkain at pag-usher ng mga bisita tuwing SONA. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)