Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng kagawaran na humihingi ng pera kapalit ng financial assistance program nito.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, kasong usurpation of authority, falsification of public documents at large-scale estafa ang isasampa laban sa mapapatunayang gumawa ng krimeng ito.
Nabatid na naaresto noong martes si alyas Jay Lagrimas dahil sa umano’y pagpapanggap bilang DSWD-National Capital Region staff member at nagsabing ililista sa beneficiary ng DSWD assistance ang mga nakakausap nito kapalit ng registration fee.
Giit pa ni Lopez na hindi pinapayagan ng kagawaran ang mga empleyado nito na magbahay-bahay para makipag-usap sa mga tao kaugnay sa programa.
Samantala, ikinokonsidera ng DSWD na gawain ng mga criminal group ang naturang pangingikil.