Itinaas ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast ng bansa sa 6.5% mula sa 6% na initial forecast noong April.
Tinukoy ni Philippines Country Director Kelly Bird, ang inaasahang paglago dahil sa mas pinaluwag na COVID-19 mobility restrictions, expansion ng vaccination program, rebound sa investments at household consumptions maging ang manila-based lender.
Bukod dito, bumuti rin ang unemployment rate kung saan bumaba ito sa 6% mula sa 7.7% sa pagsisimula nang 2022.
Kabilang na rin dito ang pagtaas ng employment, remittance inflows at paglago ng public infrastructure prejects.
Hindi naman binago ng ADB ang growth projection nito sa taong 2023 na nananatili sa 6.3%.