Umabot na sa 195 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nasa Manila Covid-19 field Hospital matapos tamaan ng covid-19.
Sa datos ng Manila Health Department, sa nasabing bilang, 190 dito ay overseas filipino workers habang ang 5 pa ay hindi mga ofws.
Nasa 114 naman sa mga naturang pasyente ay “asymptomatic”; 81 ang may mild case; habang wala namang nakakaranas ng severe o criticial case ng covid-19.
Napag-alaman na ang 81 sa mga tinamaan ay fully vaccinated na laban sa covid-19; 20 ang nakatanggap na ng first dose; habang 94 naman ang hindi pa bakunado laban sa nasabing virus.
Samantala, nagpaalala naman sa publiko ang pamunuan ng nasabing ospital na patuloy na mag-ingat dahil nananatili pa rin ang covid-19 sa bansa.