Itinaas sa 6.5% ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast ng bansa mula sa dating 6% na initial forecast noong buwan ng Abril.
Ayon kay Philippines Country Director Kelly Bird, ang inaasahang mas lalago pa ang akonomiya ng bansa dahil sa mas pinaluwag na covid-19 mobility restrictions, expansion ng vaccination program, rebound sa investments at household consumptions maging ang Manila-based lender.
Bukod pa dito, bumuti narin ang unemployment rate kung saan bumaba ito sa 6% mula sa dating 7.7% habang tumaas naman ang employment rate, remittance inflows at paglago ng public infrastructure projects ng bansa sa pagsisimula ng taong 2022.
Samantala, hindi naman binago ng ADB ang growth projection nito sa taong 2023 na nananatili parin sa 6.3%.