Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na patuloy pa rin sa pag-iimport ng asukal ang Pilipinas para sa industrial at commercial use sa gitna ng mga ulat hinggil sa nakaambang kakulangan ng suplay nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, manipis ang suplay ng asukal sa bansa kung saan, nakikipag ugnayan na sila sa sugar regulatory administration (SRA) para matugunan ang nasabing isyu.
Matatandaang pumalo sa P90 ang kasalukuyang retail cost ng refined sugar habang sumampa naman sa P70 ang brown at wash sugar.