Inihayag ni Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) Chief Elmo San Diego na ibasura ang kahilingan ng mga militanteng grupo hinggil sa pagsasagawa ng rally sa Batasan road sa Quezon City kaugnay sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay San Diego, ang hindi pagbibigay ng permit ng QC-DPOS ay alinsunod sa rekomendasyon ng PNP na hindi payagan ang anumang aktibidad sa araw ng sona ni PBBM sa Lunes.
Sinabi ni San Diego na papayagan lang na magsagawa ng rally sa mga itinalagang Freedom Park kabilang ang QC Memorial Circle at UP campus.