Namemeligrong magkaroon ng rotational brownout kung titigil sa pag-susuplay ng kuryente ang dalawang malaking power plant sa Luzon.
Ito ang ibinabala ng Meralco sakaling hindi pagbigyan ang hirit nila at ng dalawang power plant na i-adjust ang kontrata para masalo ang pagtaas ng presyo ng krudo na nagpapatakbo sa mga planta.
Aminado si Meralco Regulatory Management Head Ronald Valles na kung mayroon man silang makuha, mas malaki naman ang presyo at mas malaki ang babayaran ng customers kumpara sa kini-claim ng san miguel corporation na P5.25 billion.
Gayunman, tutol ang grupong power 4 people sa petisyon ng Meralco at San Miguel power plants dahil paglabag umano ito sa kontrata.
Handa namang pag-aralan ng Energy Regulatory Commission ang hirit ng Meralco at dalawang power plant lalo’t may epekto ito sa singil sa kuryente sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Tiniyak ni ERC Commissioner Rexie Baldo-Digal na hihimayin nilang maigi ang petisyon ng Meralco at San Miguel upang ma-protektahan ang kapakanan ng mga consumer na bugbog na sa tila walang katapusang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.