Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, balik na sa normal ang presyo ng pandesal.
Ayon kay Asosasyon ng Panaderong Pilipino President Lucito “Chito” Chavez, batid nilang hindi kakayanin ng mga consumer ang mas mahal na pandesal kaya’t pinananatili ng mga panaderia ang presyo.
Sinubukan anyang gawing P3 hanggang P4 ang presyo ng pandesal subalit nilangaw at hindi umano nabebenta ang tinapay.
Gayunman, mas maliit na ang mga nabibiling pandesal kumpara dati.
Kabilang din sa problema ng mga magtitinapay ang pagmahal ng asukal.
Samantala, isinusulong ng grupo nina Chavez sa mga community bakery ang paggamit ng coco flour, na mas mura kumpara sa wheat flour.