Posibleng sa susunod pang taon ipatupad ang hinihiling na dagdag-singil ng dalawang water concenssionaire sa east at west zone ng Metro Manila.
Ito ang nilinaw ni Manila Water Corporate Communications Head Dittie Galang sa gitna ng isinasagawang rate rebasing ng Metropolitan Manila Water Sewarage System.
Ayon kay Galang, isinasagawa ang rate rebasing kada limang taon alinsunod sa concession agreement upang mabatid kung kailangang magpatupad ng dagdag o bawas singil.