Patay ang isang 61-anyos na lalaki matapos magpasagasa sa tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang matanda sa pamamagitan ng senior citizen Identification Card nito na si Noel Ligaya Delos Santos, residente ng Barangay 9, Barangay Ibabang iyam.
Ayon sa mga saksi, nakatambay lang sa tindahan ang matanda sa tabi ng riles dakong alas-tres ng hapon.
Pero nang tiyempo nang padaan ang tren na biyaheng San Pablo, Laguna ay dito na humiga sa riles si Ligaya.
Dahil sa ginawa ng lalaki, nagkahiwa-hiwalay ang bahagi ng kaniyang katawan.
Agad namang inimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.
Noong July 14, isa ring lalaki ang namatay matapos masagasaan ng tren sa naturang lungsod.