Nalampasan na ng Pilipinas ang naitalang pinakamataas na kaso sa nakalipas na limang buwan.
Itoy matapos na maitala ng Dept. of health ang 3,604 new covid19 infections nitong nakalipas na Biyernes.
Dahil dito, pumalo na ang kabuuang kaso ng virus sa bansa sa 3,748,979.
Tumaas din ang active cases ng bansa sa 25,743 mula sa 24,478, makaraang sumipa sa 3,389 ang arawang kaso ng new infections.
Sa nakalipas na dalawang linggo, sumipa sa 11,624 new covid cases ang naitala sa National Capital Region, na sinundan ng CALABARZON na mayroong 7, 104, Central Luzon – 3, 272, Western Visayas – 2, 397, at Central Visayas na nasa 1,257.
Karagdagang 2,325 patients naman ang nakarekober mula sa respiratory disease, dahilan upang umakyat na sa kabuuang 3, 662, 566 ang mga gumaling sa buong bansa.