Para sa mga mahilig magtiris ng tigyawat, alam niyo ba na maaari itong magdulot ng impeksyon sa utak?
Ayon kay Doktor Tantengco, isang masamang paguugali ang pagtiris ng mga pimples lalo na kung mayroon na itong mga nana.
Dapat itong iwasan lalo na kung marumi ang iyong mga kamay kapag hinawakan.
Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga pinipisang mga pimples, maaari rin itong pagmulan ng impeksyon na maaaring kumalat sa iyong dugo papunta sa utak.
Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pagkamatay.
Kadalasang makararanas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod ang pagtiris sa tigyawat.
Kapag nakaranas na ng mga ito matapos putukin ang pimples lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumonsulta agad sa doktor.