Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan sa pagtugon sa monkeypox outbreak.
Ito ay matapos ideklara ng World Health Organization nitong Sabado ang monkeypox virus bilang “Public health emergency of International concern.”
Ayon sa DOH, bagaman wala pang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, puspusan naman ang kanilang paghahanda laban sa sakit.
Sa pamamagitan ito ng pakikipag-ugnayan sa mga local civil society organizations, community-based groups, social hygiene clinics, at iba’t ibang advocates.
Katuwang din ng DOH sa pag-detect ng monkeypox, ang Research Institute for Tropical Medicine.
Karaniwang sintomas ng monkeypox virus ay lagnat, pantal, pananakit ng likod at kalamnan at iba pa.
Naipapasa ito kapag ang isang tao ay nagkaroon ng contact sa virus mula sa hayop, kapwa tao, o maging sa kontaminadong bagay.