Posibleng parehong tamaan ng COVID-19 at dengue ang isang indibidwal.
Ito ang inihayag ni Tanza, Cavite Municipal Health Officer Dr. Ruth Punzalan na mahigpit na utos sa kanilang lugar na isailalim sa parehong test sa COVID-19 at dengue ang may mga sintomas ng influenza tulad ng lagnat, ubo, at sipon.
Kailangan kasi aniya na matukoy muna kung dengue with COVID o dengue fever lamang ang nararanasan ng isang pasyente para malaman kung ide-deretso ito sa dengue ward, clean ward o COVID ward.
Sinabi naman ng opisyal ng Department of Health (DOH) na maaaring sumabay ang COVID-19 sa kahit anong sakit na isang malaking problema kung magkataon dahil sabay ang treatment nito.
Nabatid na mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, nasa higit 65 ang dengue cases na naiulat sa bansa kung saan mas mataas ito ng 83% sa bilang ng mga kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.