Hindi pa matiyak ng MMDA kung papayagang makapagtayo ng mga entablado ang mga grupong magkikilos-protesta at suporta sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, ang Quezon City Local Government (QC LGU) ang magpapasya sa naturang issue.
Gayunman, mas maiging masolusyonan agad anya ang perwisyong idudulot sa daloy ng trapiko ng mga demonstrasyon, lalo sa Commonwealth Avenue.
Ipinunto ni Nebrija na hangga’t maaari ay hindi nila nais mabalam ang biyahe ng mga motorista, partikular ang mga dumaraan sa Commonwealth o iba pang kalsada sa paligid ng Batasan Pambansa.