Labing pito ang nasawi, kabilang ang isang sanggol matapos lumubog ang isang bangka sa Bahamas Islands.
Pawang mga Haitian migrant ang sakay ng nasabing vessel na nagtangkang makarating ng US upang matakasan ang gang violence at kahirapan sa kanilang bansa.
Ayon kay Bahamian Prime Minister Philip Davis, dalawampu’t lima naman ang narescue ng mga otoridad habang mayroon pang hindi mabatid na bilang ng mga nawawala.
Batay sa imbestigasyon ay posibleng speedboat ang sinakyan ng mga biktima patungong Miami, Florida sa Estados Unidos.
Overloading ang pinaniniwalaang sanhi ng trahedya habang hinihinalang bahagi ito ng human smuggling operation.