Mahigit 40 insidente ng hate crimes at iba pang aktibidad laban sa mga Pilipino sa New York ang naitala ng konsulado ng bansa sa Amerika simula pa noong isang taon.
Sinabi ni New York Consul General Elmer Cato na ang 42 incidents ay maituturing na isolated cases at maliit na bahagi lamang ng halos 67,000 Pilipinong nasa New York.
Kasabay nito, ipinabatid ni Cato na ligtas namang magtungo ng Amerika sa kabila ng mga hate crimes sa New York.
Pinakahuling biktima ng hate crime laban sa mga Pilipino ay ang 50 anyos na Pilipinang pinagsalitaan ng masasama at hinarass ng isang umano’y palaboy na babae sa 63rd Drive Subway Station sa Rego Park, Queens.