Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 11 sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) operators at drivers na naniningil ng sobra sa kanilang mga pasahero.
Ayon sa LTFRB, kanilang pagmumultahin ang mga hindi sumusunod sa inilabas na taripa na P2 per hike o yung mga nag-oover charge sa pamasahe.
Sa ilalim ng Joint Administrative Order (JAO) 2014-01, pagmumultahin ng P5-K sa unang offense; P10-K at i-iimpound ang unit sa loob ng 30 araw para sa 2nd offense; habang P15-K at kakanselahin ang Certificate of Public Convenience o CPC para naman sa 3rd offense.
Kaugnay nito, nanawagan ang LTFRB-Davao sa mga pasahero na agad i-report sa kanilang tanggapan kung may lumalabag na mga operator o drivers hinggil sa ipinatutupad na polisiya.