Inaasahang dadagsa pa ang mga turista sa Pilipinas kasunod ng muling pagbubukas ng mga international borders ng bansa.
Ayon kay Tourism Regional Director Sharlene Batin, umabot na sa 800,000 turista ang dumating sa bansa mula simula ng taon hanggang July 15.
Aniya, ang Meetings, Incentives, Conferences and Exhibitions (MICE) na tumutukoy sa mga kaganapan ng malalaking grupo ng mga propesyunal o indibidwal ang nagbubukas sa malalaking kontribusyon sa ekonomiya dahil sa halaga ng kanilang gastos.
Isinusulong naman ng kagawaran ang pagtaas ng domestic tourism upang mapalakas pa ang mga hindi gaanong kilalang rehiyon sa Visayas at Mindanao.