Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na napapanahon na upang magbalik sa face-to-face classes ang lahat ng estudyante sa bansa.
Ayon sa pangulo, ipinag-utos na niya sa Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ng panibagong rollout ng booster shots para sa paghahanda sa on-site classes.
Tinatalakay na rin aniya nila ang pagpapatuloy at pagsasaayos ng K-12 program sa bansa.