Inilatag na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Junior ang kanyang mga plano para sa bansa sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), kahapon.
Dakong alas-4:00 ng hapon nang magsimula ang SONA na tumagal ng isang oras at labing-apat na minuto at dinaluhan ng mahigit 1,300 katao sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.
Ito ang kauna-unahang beses sa nakalipas na dalawang taon na nagdaos ng full in-person SONA sa kongreso.
Kabilang sa mga isinulong ni Pangulong Marcos na legislative agenda ang mga planong may kaugnayan sa ekonomiya, agrikultura, kalusugan at imprasatraktura.