Muling nagkampyon sa katatapos lamang na FIBA Asia Cup ang Australia matapos malusutan ang Lebanon sa score na 75-73.
Dahil dito, sinelyuhan ng Lebanon ang ikalawang puwesto makaraan ang paghaharap nila ng Boomers sa Istora Senayan Gymnasium sa Jakarta, Indonesia.
Kumamada ng 14 points at 8 rebounds ang NBA veteran bigman na si Thon Maker para sa Australia.
Tinalo naman ng New Zealand ang Jordan sa score na 83-75 sa naunang laro upang makuha ang third spot.