Ikinatuwa ng grupo ng mga magsasaka ang naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa State of the Nation Address (SONA) nito kahapon partikular sa sektor ng agrikultura.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Leonardo Montemayor, chairman ng Federation of Free Farmers, na inilahad ng Pangulo ang mga short term at long term solution nito para sa kanilang sektor.
Sinabi pa ni Montemayor na komprehensibo ang mga hakbang na inilatag ni Pangulong Marcos dahil hindi lamang ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa pre-production at post-production ang tinalakay nito.
Malaking bagay rin aniya para sa kanila na iprinayoridad ng Punong Ehekutibo ang agrikultura sa SONA nito.