Isa nang ganap na batas ang vape bill o ang panukalang nag-reregulate sa paggamit ng vape sa bansa.
Ito ay makaraang mag-lapsed into law kahapon, July 25 matapos hindi malagdaan makalipas ng 30 araw mula ng maipadala ito sa Malakanyang.
Kinumpirma ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na naipadala na ni Atty. Vic Rodriguez sa senado at kamara ang kopya ng batas na nagre-regulate sa importasyon, manufacturing, pagbebenta, packaging, distribution at paggamit ng vaporal nicotine at non-nicotine products.
Sa ilalim ng batas, binibigyan ng kapangyarihan ang Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng technical standards para sa ligtas, consistency at kalidad ng mga vape products.
Nakasaad din sa batas na nasa 18 taong gulang pataas ang papayagan na gumamit o bumili ng nasabing produkto.