Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan ng kanilang ahensya pagdating sa Healthcare system bilang tugon sa gitna ng epekto ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang mga ahensya matapos ang naging deklarasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang naging SONA na hindi na magpapatupad ng panibagong lockdown sa bansa.
Sinabi ni Vergeire, na magpapatupad ng mga hakbang ang ahensya upang mas mapabuti ang access sa primary at specialty health care.
Sa kabila nito, naniniwala ang DOH na mas kailangang palakasin ng pamahalaan ang bakunahan kontra Covid-19 sa halip na magpatupad ng mas mahigpit na restriksiyon.