Hindi na umano mararanasan sa administrasyong Marcos ang agresibong pangungutang sa panahon noong administrasyong Duterte dahil sa COVID-19 pandemic, na nagdala sa pinakamataas na utang sa nakalipas na 17 taon.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Kinatigan ni Diokno ang pangako ni pangulong Marcos sa unang SONA nito na ang utang ng bansa ay mas mababa sa 60% debt-to-gross domestic product ratio pagsapit ng 2025.
Naniniwala ang kalihim sa mga financial reform ng kasalukuyang administrasyon tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion at Corporate Recovery and Tax Incentives para sa mga batas ng enterprises.
Hanggang nitong katapusan ng Mayo, umabot na sa 12.4 trillion pesos ang natitirang utang ng gobyerno, kung saan pinaka-malaki o 8.66 trillion pesos ay domestic debt habang 3.83 trillion ay foreign debt.