Plano ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng 6% hanggang 8% increase sa presyo ng mga nasa 30% ng total basic goods na nakalathala sa suggested retail price bulletin.
Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, pinag-aaralan pa nila ang mga petisyon para sa price hikes mula sa mga manufacturer pero hindi lahat ng commodities ang maaaring magpatupad ng dagdag-presyo.
Ito, anya, ay upang mayroon pa ring mapagpilian ang mga consumer.
Kabilang sa mga inaasahang magkakaroon ng minimal price hike ang tinapay, de latang isda, bottled water, processed milk, instant noodles, kape, asin, sabong panlaba, kandila, harina;
Processed at canned meat, processed at canned beef, suka, patis, toyo, toilet soap at baterya.