Hindi na maaring gumamit ng official seal ang mga pribadong sasakyan at non-official court vehicles para sa kanilang plaka, car sticker o anumang indikasyon na magpapakita na konektado sa hudikatura o mga opisyal.
Ito ang naging babala ng Korte Suprema kung saan, babawiin na ang mga inisyung authorization sa pagdisplay ng SC seal.
Sakop din ng pagbabawal ang mga courtesy at security plates ng mga dating opisyal na hindi na konektado sa hudikatura.
Nabatid na malaking tulong sa mga pribadong sasakyan ang official seal para maiwasan ang huli sa paglabag sa batas-trapiko.
Ang sinomang susuway sa nasabing implementasyon ay papatawan ng indirect contempt at posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo.