Winasak ng malakas na lindol ang ilang mga lumang bahay, simbahan, at mga sasakyan sa Vigan kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Nagbagsakan ang mga pader ng mga simbahaan, mga old house sa Calle Reyes at Calle Crisologo habang nayupi naman ang mga sasakyan sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Pol. Lt. Col. Franklin Ortiz, OIC ng Vigan City Police, patuloy na nagsasagawa ng mobile patrolling ang kanilang mga tauhan habang nakikipag ugnayan narin sila sa mga barangay para alamin ang bilang ng mga naapektuhan ng lindol.
Samantala, naglabas narin ng road advisory ang DPWH Ilocos Sur 2nd district Engineering Office kaugnay sa mga kalsadang hindi madaanan matapos masira at magbagsakan ang mga bato mula sa mga gusali.
Kabilang sa mga kalsadang apektado ang Tiagan, San Emilio Road; Tagudin-Cervantes Road; Sitio Lipay, Barangay Urzadan, Suyo; at Barangay Cabugao, Suyo.
Hindi din madadaanan ang Barangay Man-Atong, Suyo at Barangay Cayos, Quirino.