Suportado ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang batas na lilikha sa Department of Disaster Resilience matapos ang malakas na lindol na tumama sa Northern Luzon, kahapon.
Ayon kay Pangulong Marcos, higit na kailangan ng bansa ang isang ahensya na tututok sa mga peligrong hatid ng mga lindol, bagyo at climate change lalo’t kabilang ang Pilipinas sa mga madalas tamaan ng natural disasters.
Kamakailan ay muling inihain ni Senator Bong Go ang panukalang magtatag ng Department of Disaster Resilience na layuning ihanda o mapanatiling ligtas ang mga komunidad laban sa mga kalamidad tulad ng bagyo.