Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga senior citizen at persons with disabilities na gamitin ang kanilang 5% special discount sa Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC).
Nilinaw ng DTI na iba ang 5% diskwento sa 20% regular discount na saklaw ang iba’t ibang produkto at serbisyo.
Ayon kay DTI – Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, maaaring gamitin ang 5% discount ng mga senior at PWD sa pagbili sa halagang hanggang 1,300 pesos kada linggo para sa online at offline transactions.
Pwede naman anya itong gamitin ng isang buong taon at hindi lamang ngayong may COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga basic necessities na mayroong diskwento para sa mga senior at PWD ay mga de latang sardinas at iba pang marine products; processed milk; kape; sabong panlaba; tinapay;
Habang discounted din ang iba pang prime commodities gaya ng harina; canned pork, beef at poultry meat; noodles at sabong panligo.