Nananatili sa apat ang patay habang 109 ang sugatan matapos ang magnitude 7 na lindol na tumama sa lalawigan ng Abra at iba pang bahagi ng Luzon.
Dalawa sa mga nasawi ay mula sa La Trinidad at Tuba, Benguet habang tig-isa sa mga bayan ng Balbalan, Kalinga; Bangued, Abra.
Inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesman Mark Timbal na pawang residente ng Cordillera Administrative Region ang mga nasugatan habang pito mula sa Region 1.
Batay naman anya sa datos ng Department of Education, nasa 60 paaralan ang nasira o bahagyang napinsala sa Regions 1, 2, 3 at CAR.