Magsasagawa ng damage assessment ngayong araw ang local government ng Vigan City sa Ilocos Sur matapos maapektuhan ng magnitude 7 na lindol ang lalawigan, kahapon.
Ayon kay Mayor Jose “Bonito” Singson, partikular nilang aalamin kung gaano kalaki ang pinsala ng lindol sa mga lumang gusali, tulad ng mga simbahan, lalo’t nagpapatuloy ang mga aftershock.
Samantala, nagpapasaklolo naman si Singson sa national government maging sa mga engineer at architect para sa rehabilitasyon ng mga nawasak na historical building.
Mahalaga anya ang mga nasabing gusali sa sektor ng turismo na isa sa mga pangunahing revenue source ng lungsod.