Nakataas pa rin ang alert level 4 sa Myanmar sa kabila ng apela ng mga pilipinong tanggalin na ito upang makabalik na sila sa trabaho.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bagaman naiintindihan nila ang concern ng mga Filipino Migrant Workers, mahalaga pa ring ikonsidera ang kaligtasan ng mga ito.
Sa ilalim ng alert level 4, sapilitan na ang pagpapauwi sa mga pilipino sa myanmar bunsod ng gulo at nagpapatuloy na krisis.
Simula pa noong Mayo 2021 itinaas ng DFA ang alert level 4 sa Myanmar.
Samantala, mahigit 700 Pilipino na ang napauwi sa pamamagitan ng repatriated flights.