Wala pang naitatalang pinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang naganap na magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.
Ayon sa kagawaran, sa ngayon ay wala pa silang naiuulat na danyos at pagkalugi sa agriculture at fisheries commodities gayundin sa imprastruktura na maaaring makahadlang sa food supply system ng bansa.
Dagdag pa niya na hindi gaanong naapektuhan ng pagsasara ng pangunahing kalsada sa lalawigan ng Benguet at Mountain Province ang paghahatid ng mga agri-fishery goods papuntang Metro Manila dahil agad nang naaksyunan ng mga lokal na pamahalaan at ilang ahensya ang road clearing operations.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DA sa national government agencies, LGUs at iba pang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) – Related Offices para sa epekto ng naturang lindol.