Inihayag ng isang mambabatas na hindi sapat ang pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagtugon ng kalamidad sa bansa.
Ayon kay Batangas 6th District Respresentative Ralph Recto, nagamit na ang 6B na pondo mula sa 2022 national budget kaya 12.8B na lamang ang natitirang calamity fund sa NDRRMC.
Iginiit ni Recto na hindi magiging sapat ang natitirang pondo lalo na sa relief and repair works para sa mga naapektuhan ng lindol.
Sinabi ni Recto na wala nang matitirang pondo sakaling may tumamang bagyo sa bansa.
Dagdag pa ni Recto, dapat magpasa ang kongreso ng appropriations bill para sa magiging pondo sa pagsasaayos ng mga imprastraktura at iba pang mga nasira dulot ng lindol.