Inihayag ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mandatory evacuation procedure ay ipinatupad sa mga natitirang Pilipino sa Myanmar sa gitna ng pananatili ng lugar sa alert level 4.
Nabatid na ang alert level 4 ay itinaas sa nasabing bansa mula noong May 6, 2021 dahil sa patuloy na paglala ng karahasan at armadong laban mula noong February 2021.
Tiniyak naman ng pamahalaan na prayoridad nito ang kaligtasan at seguridad ng bawat Pilipino sa ibang bansa.
Magugunitang umabot sa kabuuang 701 Filipino mula sa Myanmar ang na-repatriate mula noong February 2021 na binubuo ng humigit-kumulang 60% ng kabuuang bilang ng overseas Filipino sa nasabing bansa.
Pinaalalahanan naman ng DFA ang mga Pilipino sa Myanmar na iwasan ang mga pampublikong lugar at maghanda para sa paglikas.