Napasama ang Pilipinas sa “Most Powerful Passport” ngayong taon na hindi na nagbibigay sa mga may hawak ng pasaporte ng VISA-free o hindi na umano kailangan pa ng VISA sa anim naput pitong destinasyon.
Sa inilabas na 2022 Henley Passport Index sa London para sa quarter 3 ng taon, nasa ika-80 pwesto ang Pilipinas kasama ang mga bansang Cape Verde Islands at Uganda.
Nangunguna naman sa puwesto ang Japan na may access na walang VISA sa 193 destinasyon; sinundan naman ito ng Singapore at south korea na may 192 VISA-free na destinasyon; Germany at Spain na may 190 VISA-free na destinasyon.
Pasok rin sa ikasampung puwesto ang mga bansang Finland; Italy; Luxembourg; Austria; at Denmark.
Samantala, maraming bansa naman sa buong mundo ang may VISA-free o VISA-on-arrival na may 40 access o mas kaunting access sa destinasyon kabilang na ang North Korea na may 40 destinasyon; Nepal at Palestinian territories na may 38 destinasyon; Somalia na may 35 destinasyon; Yemen na may 34 na destinasyon; Pakistan na may 32 destinasyon; Syria na may 30 destinasyon; Iraq na may 29 na destinasyon; at Afghanistan na may 27 destinasyon.
Inilabas ang index upang masuri ang halaga ng pagiging mamamayan ng bawat mga bansa sa buong mundo.