Ini-repatriate na ang 14 na distressed Overseas Filipino Workers na nasa Lebanon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pawang mga biktima ng pisikal na pang-a-abuso, pinaalis sa kanilang tinutuluyan at ikinulong ang mga nasabing Pilipino.
Nailigtas ang mga naturang OFW sa tulong ng DFA at embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Karaniwan na ang iligal na recruitment ng mga Pinoy patungong Lebanon sa kabila ng deployment ban sa mga household service workers.
Kahapon, nag-ikot sa mga penal facilities sa Beirut ang mga opisyal ng embahada para iligtas ang mga OFW na nakakulong.