Sumampa na sa 33.8 billion pesos ang halaga ng pinsala sa imprastruktura sa Ilocos Region dahil sa tumamang magnitude 7 na lindol.
Ayon kay Bernardo Rafaelito Alejandro, Deputy Administrator for Operations ng Office of the Civil Defense, posible pang tumaas ang datos dahil hinihintay pa ang ulat mula sa ibang ahensiya at regional offices.
Wala pa naman anyang inilalabas ang pamahalaan na detalyadaong halaga ng pinsalasa sektor ng agrikultura at pangisdaan dahil sa pagyanig.
Batay sa unang damage assessment ng Department of Agriculture, nasa 3.88 million pesos ang halaga ng mga nasirang agricultural facilities at irrigation systems sa Cordillera.