Bukas na sa mga motorista ang mga kalsadang pansamantalang isinara matapos magkaroon ng problema dahil sa nangyaring lindol.
Partikular sa ilang mga pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang mga kalsadang ito ay ang Abra – Kalinga road, Abra – Ilocos Norte road at Abra-Cervantes road.
Gayundin ang Asin road sa Baguio City, Marcos Highway, Benguet-Nueva Vizcaya road, Baguio – Bauang road at Congressman Andres Acop Cosalan road.
Maaari na ring madaanan ang Mt. Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut road, kalinga-Abra road, Mt. Province-Cagayan via tabuk – Enrile road at Mt. Province-Ilocos Sur road.
Binuksan na rin ng DPWH ang Santa Rancho road partikular ang Calungbuyan Bridge.
Sa ngayon, walong kalsada pa ang inaayos ng DPWH Quick Response Teams sa CAR at Region 1.–-mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)