Asahan na ng mga motorista sa susunod na linggo ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo sa mga produkto ng petrolyo.
Base sa oil trade monitoring sa nakalipas na apat na araw, ay maaaring mabawasan ng P1 hanggang P1.20 ang presyo kada litro ng diesel, habang tataas naman ng P0.50 hanggang P0.70 ang kada litro ng gasolina.
Nabatid na ang inaasahang dagdag-bawas sa presyo ng produktong diesel at gasolina ay maaari pa ring magbago depende sa paggalaw sa kalakalan.
Samantala, bunsod nito, ang Year-To-Date na kabuuang adjustments ay tumaas ang presyo sa kada litro ng gasolina ng P18.90, P32.95 sa kada litro ng diesel, habang P28.5 naman sa kada litro ng kerosene.