Sumampa na sa 226 ang bilang ng mga paaralang napinsala bunsod ng tumamang magnitude 7 na lindol.
Batay sa huling datos ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 132 sa mga paaralang ito ay ngmula sa Cordillera Administrative Region, 49 sa Ilocos Region, 25 sa Cagayan Valley Region, 18 sa Central Luzon Region at tig-isa sa CALABARZON Region at National Capital Region.
Tinataya namang aabot sa P1.3 billion ang pondong kakailanganin ng Department of Education para maayos ang mga nasirang paaralan.
Sa ngayon, bukod sa ongoing disaster response efforts, pinakilos na rin ng Kagawaran ang mga engineers mula sa Region 2 para tumulong sa structural assessment ng mga eskwelahan sa CAR at Region 1.